Sunday, September 24, 2006
Sunday na naman at malamang Monday na bukas. Ang biliis! Ayoko na mag-aral. Malapit na magsembreak pero ganun rin kalapit na ang finals. Argh! Hate it.
Pero sa kabila nun I really cant wait for the sem to end. I cant wait to be with FF again. Yesterday, Vilee and I met up at Mcdo for Lady's surprise party. And as we expected, palpak na naman. Well, hindi naman magiging masaya yun kung hindi eh. Diba? Usapan 3 magkikita-kita pero nabuo ang FF ng around 5 na. Though we didn't have enough money para magparty nagkasya rin. And yung presence naman ng bawat FF ang nagpasaya sa isa't isa eh. (awww!) Present din nga pala si Ron, nagkataon lang na may children's party dun kahapon.

RON and Pau

FF

"us being so wild"- vilee
Balik na naman ako sa kadiliman bukas ng umaga. Babalik na naman ako sa realidad. Argh!
`shari gave up
closest to heaven at 3:45 PM
Friday, September 22, 2006
An entry from my multiply:
Thursday. Fine day. I woke up late, my class is at 8.30 but i got up 12 minutes before 8. I was just in time for my first class. Nothing special happened. i only had two classes for today. We didn't have our Philo1 class maybe our professor wants to give us time to finish our group project, which will be our final exam. cool noh?! finals, group effort. hihi. Our group agreed to make a video as our project. And natapos na namin kahapon pa. Konting edit na lang and we're done.
From 11.30 to 2.30 vacant ako. Sobrang boring nun kung ako lang mag-isa. But good thing Karl, a good friend, whose classroom is just beside ours and whose class ends at 11.30 was there. So sabay na kami naglunch. We went to SM North para lang kumain sa Burger King. haha. Waste of time ba? Money? Or effort? Whatever! Enjoy naman ako. He's so nice, kahit na the whole time na magkasama kami inaasar nya ako sinamahan naman nya ako until my last class.
After my class, diretso ako sa SC. I saw Chek, a kababayan, i was surprised kasi of all places dito pa kami nagkita eh sa MIT sya nag-aaral. Gosh. I miss Cavinti tuloy. I want to go home na. Isang tulog na lang. Isa na lang. At last TGIF na ulit.
92106
`shari gave up
closest to heaven at 12:47 PM
Sunday, July 02, 2006
buhay pa ako at humihinga, eh si pacquiao kaya? haha.
grabe talaga karisma ni pacquiao sa masa, kanina nga mukhang wala ako masasakyan papunta sa bus station kasi yung mga tsuper sa lugar namen mukhang walang balak pumasada eh, lahat nakatutok sa laban. buti nalang at ayaw ng aking itay na abutin ako ng hapon sa biyahe kaya inihatid na niya ako sa sta.cruz. sayang hindi pa niya naisipan na ihatid na ako diretso dito.
hanggang sa bus, yun mano a mano ang pinapanood. yung mga kapwa ko pasahero ang ingay kahit na hindi pa si pacquiao yung may laban. balak na balak ko pa naman magbasa para dun sa isa kong subject hindi ko na naituloy kasi nga ang ingay nila. pati yung mga sumasakay sa bus na nagtitinda ng buko pie at sing-aling nagsisietehan din. sabi pa nga nung isa "pag natalo si pacquiao salonpas naman ang magiging commercial niyan." sinubukan ko matulog pero wala pa rin, nun ngang muntik na mapatumba ni penalosa si roxas mapapatalon pa yung mama na nasa kabilang upuan, grabe noh? paano pa kaya kung natumba yun?
tooot! toooot! haha! nagtxt yung mga classmate ko panalo daw si pacquiao. ngayon ko lang nabasa. ano ba yan?! mukhang pati ako nabibihag ni pacman. oh hindi! hindi maaari.
maiba na nga ako, nahohomesick na naman ako. wala na naman kasi akong kasama sa boarding house bukas pa balik nung mga boardmates ko. wala na naman akong makakausap mamaya, kaya namimiss ko tuloy lalo nanay at tatay ko. gusto ko na ulit umuwi.
congrats pacman. hihi
`shari gave up
closest to heaven at 3:06 PM
Sunday, June 25, 2006
kakauwi ko lang kanina from laguna. umuwi lang naman kasi ako para dun sa Gawad, though hindi nanalo si Betha, yung pambato namen, ok lng kasi nagkitakita naman kami magkakabigan.
haaay, sobrang namis ko sila at mukhang matatagalan bago pa kami uli magkita kita.

vilee and shari *
isa sa pinaka namiss ko si vilee. magkatukayo kame nito pagdating sa lovelife. pareho kasi kame kawawa lage. miss yooooo=(
pasensya na minsan na nga lang ako magpost ng picture mukha pang bulag. geh,geh next time post ko pa yung ibang mukha nila friendly friends wala na kasi ako time.
`shari gave up
closest to heaven at 6:56 PM
Tuesday, June 20, 2006
update! update! update!
(no more Jem talks muna)
mahaba-habang panahon na naman akong nawala sa ere. hindi naman ako busy, hindi rin naman ako tinatamad, wala lang kasi akong pera na pambayad sa renta sa computrer. Hindi kasi pumayag ang nanay ko na dalhin yung computer ko sa boarding house, baka lalo lang daw akong hindi mag-aral.
"freshie ka?" "obvious ba?"
pangalawang linggo ko na sa kolehiyo, hindi ko na naikwento sa inyo. wala pa naman kaming masyadong ginagawa, puro discussions pa lang. hindi ko parin lubos na saulo yung sched ko.
mayroon lang akong 6 subjects at 4 na araw ng klase. tuwing wednesday wala akong gagawin kundi tumunganga, kumain at matulog. eto sched ko:
MTh
830-10 Chem1
1130-12 Philo1
230-4 Socio10
TF
8-9 PE
10-1130 Bio1
230-4 Comm3
eh ano nga naman pala?! bat ko ba pinost sched ko? sorry wala kasi iba maitype, pamatay oras lang. hanggang ngayon kasi iniisip ko kung tama ba yung mga subjects na pinasukan ko. para kasing hindi ako bagay sa kahit na alin dun.
malapit na mag alas diez. uwi na muna ako ng boarding house, magpapalit muna ako ng tsinelas tapos larga na sa Bio1! takbo na sa AS, baka malate pa ako sa malayo-layo rin yun. pero kung may time pa sasakay na lang ako ng ikot para fresh parin pagdating sa room.
`shari gave up
closest to heaven at 8:54 AM
Saturday, May 27, 2006
anu ba namang buhay toh?! ngayon na nga lang ulit ako nakapag-online hindi pa ako makapagbrowse ng ayos.
hindi ko mapuntahan ang blogsites ng mga friendly friends ko online. ='( iwan na lang ako ng message ko sa inyo dito para kung mapadaan kayo mabasa niyo.
to: ate mei
miss you na po. belated happy birthday! sorry ngayon lang ah? last visit ko kasi hindi ako makapagtag ayaw kasi mag-appear nun tagboard mo. mwah
to: ate pao
miss you. sana mapadaan ka dito
to: louise
sana lang maayos na nga toh. sana malapit na. mwah. mwah
to: sci
tsong! ouch naman ang hirap talaga tanggapin. grrr! add mo nga pala ako sa ym chat tayo minsan. mwah
to: vilee
miss you siis! mwah. see you tomorrow. haha!
to: jaja
kakatouch naman yung entry mo.huhu. loveyah, thanks talaga.
haaay. still can't get over him. habang tumatagal lalo ko siya namimiss saka mukhang mas lalo ako nasasaktan.
lam niyo yung song na stay? hindi yung sa cueshe ha! yung kay lisa loeb. ='( he used to play that song on his guitar then sabay kame kakanta. ='(
haaay. kakamiss. dko pa mailagay yung video dito. i don't what's wrong pero ayaw mag-appear nun video dito eh. ='(
basta thanks sa inyo. kasi kahit hindi tayo magkakakilala in person dinadamayan niyo parin ako. salamat talaga.
`shari gave up
closest to heaven at 5:27 PM
Wednesday, May 17, 2006
Ang bilis talaga ng takbo ng mga araw kahit na minsan pakiramdam ko eh hindi dumadating ang bukas, yung tipong parang simula pa last Monday hanggang ngayon pakiramdam ko isang araw lang yung isang buong week. Kasi pare-pareho lang ang nangyayari.
Hindi ko parin siya makalimutan. Hindi ko parin maalis sa sarili ko ang umiyak, buti nga nabawas-bawasan na ngayon. Hindi tulad nun na hindi ko talaga macontrol yung tears basta’t maalala ko siya.
One time nga paggising ko kala ko "eto na nararamdaman ko na, ready na ako to move on!" kasi pagmulat ko ang gaan ng pakiramdam ko unlike before na para bang may pumipigil sa akin na gumising, pero paglabas ko naman sa kwarto. Ngeh! Biglang lungkot na naman ako, bigla ko na naman kasi siya naalala, nasanay kasi ako nun na tuwing lalabas ako sa kwarto katext ko siya eh ngayon hindi na. Kumbaga sa mga girls pag may period sudden gush yung loneliness na naramdaman ko.
Nakakainis talaga. Alam ko kasi kaya hindi ako makapag move on kasi sarili ko rin ang dahilan. Hindi pa rin kasi ako ready para ilet go yung hope na pede paring maging kami. Kahit na alam kong masaya na siya. Di ko pa pala nakkwento sa inyo, may bago na siya na girlfriend =’( he told me about it when I called him days after we broke up. Hindi ko na nga lang nasabi sa last post ko kasi I don’t feel like sharing it nun time na yun.
Actually may mas masakit pa talaga dun sa line na nabanggit ko sa last post ko. Eto yung conversation namin, nun tawagan ko siya. And this conv keeps on running in my mind:
Sha: Hello?
Jem: Hello
Sha: Musta na?
Jem: ...
Sha: Oi
Jem: Wag mo na ako tawagan. May girlfriend na ako bhe.
Sha: Ehhhh.. (shocked)
Jem: Si ayessa
Sha: Ahh.. Mahal mo?
Jem: Hindi,
Sha: Eh bakit girlfriend mo na siya?
Jem: Kaw ang mahal ko.
Sha: Eh bakit ganun?
Jem: Sige na bye na.
Sha: ….
Sha: Sige bye.
Ouch diba? Kaya wala na ako nasabi nagbye narin ako ng hindi oras, ni hindi ko man lang nalinaw yung mga bagay na malabo para sa akin. Isa pang masakit he called me bhe, kahit na wala na kami. He called me bhe just to say he already has his new girl. He called me bhe and made me feel worse. Nung una ayaw ko pa maniwala na may girlfriend na siya until yung girlfriend na niya mismo ang nakausap ko. Well, wala ako magagawa. Just live and let live. Diba?!
Wala akong sinisisi o dapat sisihin sa mga nangyari samin, kasi ako lahat ang may kasalanan. And I think I deserve this. Kung alam niyo lang kung gaano kalaki yung kasalanan at pagkukulang ko kay Jem for sure mag-aagree din kayo. But I want to keep those issues close, it’s too personal na kasi to write about those here in my blog. And I know that you guys know that there are really things that should be left the way they should be.
I just have to face the truth that Jem and I, in any way or any reason, cant be together anymore.
Whew! I never imagined that Ill be so mushy in any of my entries. But I just did.
I’ll try to forget him not because I want to but I have to. In fact, I really dont want to stop thinking of him because it’s my way of making myself happy just for a moment.
Ang hirap talaga makalimot sa taong sobraang importante sayo. Wish me luck guys ah, sa bagong buhay na tatahakin ko ngayong wala na siya sa buhay ko ='(
`shari gave up
closest to heaven at 12:25 PM