'yeka! wahehe. eto na sis update ko. hehe.
nun november 4 pa sana itong entry na 'to kaya lang tulad ng dati tinamad na naman ako kaya ngayun lang ulit pero bago ang lahat batiin ko muna ng belated happy birthday ate m0nique at enjan.
**************
Nito lamang nakaraang linggo ay idinaos sa Siniloan National High School ang Division Secondary Schools Press Conference. Kung saan nagtagisan ng galing sa pagsulat ang mga kalahok mula sa iba't ibang paaralan sa Laguna.
Ang Lagunian/The Lagunian
ang official school paper ng Pedro ay nahirang bilang 3rd Best School Paper sa DSPC. Nagkamit rin ito ng iba pang parangal yun nga lang ay nalimutan ko na.
Ilan sa aking mga kaklase ang nagdala ng karangalan para sa aming eskwelahan. At ang mga nagwagi *biggrin*:
Bethany "Bethzie" Perez - 1st place News writing (Filipino)
Ma. Aira "Isulat mo sa Dahon" Matienzo - 1st place Feature writing (Filipino)
Gene Paulo "Muchos Grasas" Bautista - 1st place Copyreading and headline writing (English)
Jhoanna "Santi" Santiago -2nd place Broadcating and Scriptwriting (Filipino)
Rachel "Dumnik" Co - 3rd place Feature writing (English)
Anna "IC" Mendoza - 3rd place Copyreading and Headline writing (Filipino)
Alvin "Gagamboi" Minon - 5th place Editorial Cartooning
Carla Joy "the President" Ramos - 6th place News writing (English)
Lahat sila ay qualified for the Regional Presscon na gaganapin sa Quezon. sobrang proud ako sa inyo sana makaabot kayo sa national level *achuchuchu*
At muli nilang pinatunayan ang husay ng mga Guevarians.
time check: 5am na pala dko man lang napansin inaantok na ulit ako, buti wala kaming pasok ngayon may regional camp na naman sa school. paboritong paborito nilang venue school namin. soo tulog na ako.tsup*tsup