Wednesday, November 02, 2005
"Hindi na ako magsusubmit ng form para sa Gawad, tinatamad na kasi ako mag-asikaso eh."
Isang napakalaking karangalan para sa isang kabataang katulad ko ang maging bahaging ng prestihoyosong Gawad San Luis para sa Natatanging Kabataan ng Laguna. At ang bawat bayan sa Laguna ay may kanya-kanyang pambato. Ang maging nominado lamang doon ay sadyang nakakataba na ng puso. At sa hindi ko inaasahang araw ay ipinatawag ako ng teacher ko kasama ang iba ko pang kaklase na katulad ko'y galing sa ibang bayan at binigyan kami ng application form para sa Gawad. Sa sandaling yun ay nakaramdam ako ng tuwa sa aking dibdib dahil abot kamay ko na ang dati'y pinapangarap ko lang.
Pagkagaling ko sa aking guro ay nakasalubong ko si Kurt, taga Cavinti rin siya at ang itinanghal na Natatanging Kabataan ng Laguna nitong taon na ito*proud ako kababayan ko yan eh*, binibigyan niya ako ng form at ine-encourage niya ako na sumali. nakakatuwa kasi siya na ang nagsabi na sumali ako.
pero nakakainis talaga pag-nakatikim ako ng pulot ng katamaran, parang lason na iyong unti-unting pinapatay sa katawan ko at sa mga pangarap ko sa buhay.*weeh lalim ata*
Basta napakalaki na lang ng panghihinayang ko ng malaman ko na isang babaeng matagal ko ng kinaiinisan taga Cavinti na hindi ko na lang babanggtin ang pangalan na nag-aaral rin sa Pedro ang siyang nagsubmit para sa Gawad. Oo, lahat ay malayang mag-apply dun hangga't may nagrekomenda sayo kaya wala akong dapat ikasama ng loob at kasalanan ko rin naman kung kaya hindi na ako nakag-apply. Naisip ko naman na baka naiinggit lang ako, pero hindi siguro dahil lang siguro na alam ko mas may magagawa ako kay sa kanya. Hindi naman sa pag-aangat ng sarili kong bangko pero yun talaga ang nararamdaman ko sa pagkakakilala ko sa kanya, mahilig siyang mag-angat ng sarili niyang silya. Paumanhin sa nasabi ko pero yun lang talaga ang alam ko at nakikita ko. Alam ko na hindi lahat ng nakikita ko ay tama at totoo,basta paumanhin na lang po.
Wala na akong magagawa, gustuhin ko man ay huli na. At magsisilbi na lamang itong aral para sa akin na pinalampas ko ang isang mahalagang bagay na sana'y makakapagbibigay ng karangalan sa akin, sa aking magulang at higit sa lahat sa aking bayan.
`shari gave up
closest to heaven at 6:12 PM